Monday, October 25, 2010

Hence, the blog url



How do I even begin to explain Nikagami? HAHAHA LOLJK

Siya na siguro ang pinakatatago kong sikreto sa buong mundo. Basta.. secret. Nikagami's not 'the' real name, by the way. It was a great friendship. At dahil bored ako, sinubukan ko lang naman yung ibang application sa Facebook at yan ang lumabas. Tangina lang. Parang nang-aasar lang. Namissed ko tuloy bigla. :|

This certain person made me feel that there's magic. WEH. Haha! ;D

Thursday, October 21, 2010

Why the bats won't shut their butts

Ang tanging dahilan kaya hindi nila magawang makampante kahit nasa kanila na ang 'spotlight' ay dahil kahit anong gawin nila, mananatili tayong nakatayo. Firm and straight. The JamLi Poppers will continue to prevail. Hinding-hindi niyo kami kayang pabagsakin, kung sino man kayong mga nagpupunta dito. And obviously, you're all clueless sa mga nangyayari ngayon. Marami kayong hindi alam kaya wag kayong magsalita ng tapos. Maaaring may pasa kami, pero tatandaan niyong hinding-hindi kami tutumba nang dahil lang sa inyo. Masyadong mababaw. Masyadong imposible. Don't pull the trigger kung ayaw niyong lumabas ang baho niyo. Maraming undercover agent dito. Sige lang, subukan niyong ubusin ang mitsa para sumabog kami ng tuluyan at mawala ang lahat ng naipundar ninyo.

You might see us struggle, but you will never see us fall.

Be afraid. Be very afraid.

Wednesday, October 20, 2010

Could this day get any more depressing?

I hope not.

Kanina ko lang nalaman na bagsak ako sa SocSci 1. Hindi naman 'yun kasama sa pagkadepressed ko kasi expected ko na rin naman. Ang medyo nakakaubos lang ng lakas ng loob eh yung dapat na magtetext yung professor namin kung may problema sa grade. Para maasikaso ng maaga, at least magagawan ng paraan. Eh kaso hindi naman siya nagtext. Kanina ko lang nalaman na bagsak ako. Sana magawan ko pa ng paraan.

Isa pa, umuwi ako ngayon kina Papa. Paalis na kasi siya. Siyempre, bonding bonding muna. Tapos sabi niya sa akin, gusto niya pag-alis niya, bumalik ako dito sa bahay. Kay Lolo na ako nakatira eh. Ako na lang kasama niya sa bahay kasi umalis na si Auntie. Ewan ko ba.

Kailangan kong iiyak to. Napupuno na ulo ko. :|

Best friend

Kailan kaya ako magkaka-best friend ulit?

Hindi ko na rin alam kung anong nangyari sa amin ng best friend ko. Kaunting misunderstanding, tapos wala na. Wala pa kaming matinong closure. Namimiss ko na siya, actually. Pero malayo na rin ang agwat ng inilakbay namin simula nung natapos yung pagiging best friends namin eh.

Naisipan ko lang namang ipost ito kasi puro related sa 'best friends' ang mga nakikita ko sa Tumblr dashboard ko ngayon eh. I missed the feeling of having one. Lalo na yung mga oras na binubully niyo lang palagi ang isa't-isa. Ang saya ng feeling.

Oo, masaya rin naman yung maraming kaibigan. Pero diba parang masarap din sa pakiramdam kung may nag-iisang taong lagi lang nandiyan. Pwede mong loko-lokohin, away-awayin. Pwede mong makasama palagi. Pwede kayong gumawa ng kung anu-anong kalokohan nang magkasama.

Hindi ko kasi alam kung sino sa amin ang nagkamali eh. Pareho lang din kaming nagtaas ng pride. Hanggang ngayon wala pa ring nangyayari sa amin. Magdadalawang taon na rin siguro ang nakalipas. Imagine, magkapitbahay lang kami ha. Ewan ko. Ang hirap din palang lumunok ng pride. Pero.. namimiss ko na siya eh. Sana nababasa niya 'to.

I missed you, Broo. Sorry. <3

Tuesday, October 19, 2010

A little of this and that

Sa wakas, may matino na rin akong blog.

Sa totoo lang, ang dami kong gustong gawin ngayong sembreak. Magsulat, magbasa, mamasyal kasama ang pamilya ko at kung anu-ano pa. Hindi ko lang alam kung anong uunahin ko.

2 or 3 weeks ago, naglipat na ako ng gamit dito sa bahay ng Lolo ko. Dito na ako titira. Wala na kasi siyang kasama eh. Si Auntie, nasa New York na, so kailangang may pumalit sa kanya dito para may kasama si Lolo. I like it here naman. Kaunti lang kami at tahimik, pero nakakamiss din naman ang mga magulang at kapatid ko. At siyempre, si Sammy, yung shih tzu namin.

Malapit nang umalis ng bansa ang tatay ko. Pero ewan, hindi ko pa rin masasabing in good terms kami. Basta casual lang kami kapag nagkikita. Mahirap din umaktong okay ka kung hindi naman talaga eh. Okay na rin siguro 'yun para hindi masyadong stressed si Mama. Ang hirap lang makitang namumroblema siya eh. Pati kapag umiiyak siya, mahirap din.

Marami akong pinagkakaabalahan ngayon. Pagsusulat, Jamli, Juamee.. basta marami. Ngayong week ko rin makukuha yung iba kong class cards. Sana naman hindi ako mahirapan sa online registration namin sa katapusan. Promise ko naman sa sarili ko na pagbubutihin ko na sa 2nd sem. Kung noong 1st sem eh bongga akong pumetix, sa 2nd sem, medyo petix na lang. Hahaha!

Plano ko na ring magdiet. Actually matagal na. HAHAHA! Susubukan ko yung ginawa ng isang tenant namin. Saging na saba lang yung kinain niya ng ilang buwan. Iinom din ako ng Leisure 18, effective, promise. Itinigil ko lang kasi wala naman akong pambili. Dapat kasi tuluy-tuloy 'yun eh. Sana naman magkaroon na ako ng determination na magpapayat.

Ang dali pala talagang gumawa ng blog entry kapag Taglish ang gamit. <3